Ang sayang malaro di ba? Gustong gusto kong naglalaro kasi marami akong nakikilala, nakapagpapalakas ng resistensya at nagbibigay ng kaligayahan. Kaya lang kung minsan at hindi maiiwasan na sa laro ay may natatalo, nasusugatan sumusuko at ang maganda ay may nananalo. Ang buhay ay parang isa ring laro minsan masaya, minsan malungkot minsan may nadidisgrasya at namamatay. Ngayon ikukwento ko sa inyo ang laro ng buhay ko.
Nag simula ito noong Ika- 4 ng Enero taong 1992. Ang larong ito ay naganap sa lungsod ng Mandaluyong ng mahigit labing-anim (16) na taon. Apat kaming magkakapatid at ako ang panganay. Pumasok ako ng paaralan noong ako’y limang (5) taong gulang pa lamang. Hinahatid ako ang aking ama araw-araw. Nang ako ay nasa ikalawang baitang na ng elementarya. Yumao ng maaga ang aking ama sa edad na anim na putpitong (67) taong gulang. Naging isang malakas at malaking batok ito para sa akin. Kung baga sa laro parang bigla kang pinasahan ng bola na hindi mo naman alam ang gagawing mo. Mahirap talaga para sa akin ang mawalan ng ama lalo na’t panganay pa ako. Parang laro na bigla ka nalang iiwan ng kakampi mo. Napag isip-isip kong kung patuloy akong mananatili sa ganito eh baka wala akong marating. Dahil dito agad kong sinimulan ang pakikipaglaban ang laban na ang tanging kakampi ko lang ay ang hinaharap. Kailangan kong tanggapin ang katotohanan ng buhay, na pati ang mga pangarap ko ay kailangan ko ng iwanan.
Tanging si Ina’y lamang ang nagtatatrabaho sa aming pamilya. Pinipilit pagkasyahin ang kakarampot na sweldo sa aming araw-araw na pangangailangan, pagkain at pam matrikula. Hanggang sa makatapos ako ng elementarya. Nais ko sanang mag-aral ng hayskul sa Don Bosco ngunit mahigit triple ang ng sweldo ng nanay ko yun kahit na pag sama-samahin ang lahat ng kinikita sa buong taon ay sadyang kulang talaga. Kaya napilitan akong mag-aral sa isang pampublikong paaralan ng Lungsod ng Mandaluyong, kung saan ang mga estudyane ay mga gago at basagulero. Napa isip lang ako na baka matutunan ko rin ang mga ugali ng mga tao rito. At baka hindi ko na matulungan pa ang aking pamilya.
Sa kabutihang palad, mayroong Don Bosco Youth Center o ang Oratoryong tinayo ni Don Bosco na inaalagaan ng mga pari at relihiyong Salesyano, kung saaan hinuhubog at pinalalaki ang mga kabataan ayon sa turo ni Don Bosco at ng Simbahan. Parang ito ang parte ng laro na naka shoot ka ng ka bola at pinagkaguluhan ka ng maraming tao. Naka kilala akong ng mga bagong kaibigan at kalaro. Dumating rin ang panahon na ang piling mo eh para kang nasa langit. Naranasan ko ring ma inlove nagsimula ito noong ako’y 1st year hayskul nanginginig ang buong katawan sa sobrang takot. Sa pananatili
ko ng apat na taon sa hayskul, walo (8) ang aking naligawan at ni isa man lang sa kanila ay wala akong akong napasagot. Ngunit napaisip rin ako na baka hindi ako para sa buhay na ito. Nahikayat ako sa gawain ng mga Salesyano, nakikipaglaro, nakikipagkwentuhan at nagpapaka isip bata para sa mga kabataan. Sa aking pag mumuni mini mukhang nagugustuhan ko na talaga ang pumasok sa seminaryo ngunit hindi madali itong nais ko gayong panganay pa naman ako, at tanging ako lang ang inaasahan ng aking ina at mga kapatid na tatayong bagong padre de pamilya.
Nakatapos ako ng hayskul na ang nais ay ang mag-aral sa loob ng seminaryo. Wala na akong mapili at kung pipilitin ko ang sarili ko sa ayaw ko baka masayang lang. Muling bumalik ang aking pangungulila sa aking ama. Sa mga panahong ito utang na loob at konsensya ang kalaban ko kung aking itutuloy ko ang nais kong pumasok ng seminaryo. Para akong naglalaro na skydiving at tumalon ng eroplano ng walang parashoot.
Isa pang problema ang pambayad o ang financial problem mahal ang tuition fee sa Don Bosco. Mahal rin ang board & lodging sa seminaryo. Imbis na maka tulong ako sa kanila, dagdag problema pa. Hindi ko pa sila sinunod naging makasarili ako. Ngunit tinuloy ko ang aking nais ng walang utag na loob, ng walang konsensya, walang takot at walang pambayad.
Ngayon limang (5) buwan na ako sito sa seminaryo ganoon pari na ang aking nararamdaman. Dagdag pa ang hirap, pagod, puyat, isip, aral, at tila parang hindi ako susuko. Ganyan ba talaga ang buhay na nais ko at nais ng Diyos gayong walang naman akong natutulong sa kanila? Marami na akong nagawang pagkakamali at kasalanan ngunit hindi ako nag aalinlangang pumasok ng seminaryo at magbago dahil naniniwala ako na ang larong ito ay maipapanalo ko.